etc.

RUB Ribs & BBQ (Sct. Rallos, Quezon City)

Bilang nabibilang na ang mga araw ni A sa opisina, napagdesisyunan namin na bonggahan ang Friday lunch namin.

Dinala ko muna sila sa Señor Pollo, dahil matagal ko na binibida yun, pero wala na raw space kaya hekis muna.

So, tumuloy kami sa RUB Ribs & BBQ na konting kembot lang mula sa Senor Pollo. Tawid ka lang sa Tomas Morato tas anjan na sya.

Buti naman at nakaupo kami.

Dahil matakaw ako, umorder ako ng Singles (Ribs for one, + rice and 1 side dish; P220), with Spinach Mushroom as side dish.

 photo WCAE-RUBRibsandBBQ02_zps5bd8ed73.jpg
Si M at A naman ay naghati sa Super Duo (Ribs for two, plus two sides; P390). Ang Pinili nila ay ang Bacon and Potato Salad tsaka Mashed Potato.

 photo WCAE-RUBRibsandBBQ01_zps9d22499e.jpg
Ang una naming napansin ay matagal sya. Nalaman namin ito dahil natapos na yung katabi namin na naunahan pa naming umorder, di parin dumarating ang pagkain namin. So, kung balak nyo dito kumain, wag kayo magexpect na makakakain kayo in the next 30 minutes.

I mean, the ribs are not even THAT warm when they arrived.

Ineexpect ko ang “fall-out-of-bone” kind of tender na ribs, pero di naman ganon yung experience ko. Sakto lang. Very forgetful. Parang first world version nung ribs na nabibili sa 7-eleven. Actually mas bet ko pa yung nasa 7-eleven. Parang mga 150% more flavorful yung ribs sa 7-eleven (even without the BBQ sauce) kesa ito (must be MSG). Kaso di na ako nakakakita noon eh. Sad fez.

Yung side dish. Um. Yung spinach + mushroom ay ok lang rin. Malakas ang flavor nya so I think wag nyo kainin yun with the ribs kasi anlakas rin ng flavor ng BBQ sauce. Yung Bacon and Potato Salad ay meh lang rin. Saktong patatas lang. Winner by default naman ang mashed potato kasi garlic-y sya and i like my mashed potato garlic-y 🙂

I was a little disappointed to be honest kasi andaming raves tungkol sa place na to, tas very meh lang pala nya.

Hindi naman sya masama. It’s just ok. Hindi ko alam kung bad batch yung napunta samin (it was Friday lunch time kaya ang weird naman kung ganon nga), pero hindi sya spectacular. Keri lang. Meh.

Actually sinabi lang rin sakin ng MP nung Wednesday nung dumaan kami na “meh” nga lang rin doon at nothing spectacular. Pero syemps dinala ko parin sila doon.

Kasi naman Senor Pollo, lakihan nyo na yung place nyo 🙁

2.5 of 5 ribs.

Tags :
November 21, 2014