etc.

Señor Pollo (Sct. Rallos, QC)

Nagkayayaan nanaman kami ni M kumain sa bagong lugar, at dahil matagal na namin napagkukwentuhan, sa Señor Pollo kami gumora.

Makikita ang Señor Pollo sa Sct. Rallos st, sa may Tomas Morato sa QC. Kung nasa Morato ka, hanapin mo ang Papa Johns, tas pasok ka sa street na yun. Kembot ka pa ng ilang metro, lagpas pa ng Burger Project. F7 yung building, at hindi mo sya mamimiss kasi may pagkalaki-laking “F7” sa gusali. Same building as Purple Oven.

11:30am sila nagbubukas. Dumating ako ng quarter to 12 (curses, ERod traffic!) at andami na agad ng tao (nakipagkarera pako sa isang groupo ng kabataan para di ako maunahan. In my defense, hindi talaga sya karera since mabagal sila maglakad haha).

Nasa taas na si M (sa taas ang kainan), at dumating sya ng before mag 11:30, bago pa man magbukas ang Señor Pollo. Tas tinanong ko kung sya ba ang nauna doon, sabi nya pagkadating nya, may dalawa na na nauna sa kanya. Kaloka!

Sa baba yung orderan, pero pwede ka rin umorder sa taas. Wala nga lang menu so kelangan alam mo na order mo.

Dahil naka cheat day ng diet ng lola mo, nag all out ako sa pagkain ngayon araw na ‘to! Lemmejazzsay na I lost 10lbs sa nakalipas na 2 weeks huh! Partly because of dyeta, at partly because of poverty. Ibigay nyo na sakin ‘tong one day cheat day. At mega explain talaga ako.

Kumuha ako ng three-piece friend chicken (walang husgahan, neng!). May kasamang Patatas brava at latin coleslaw na side dishes (Php 285). With an extra spicy rice.( was it Php 45?)

 photo IMG_20140906_121324_zpsuuzk4rg0.jpg
 photo foursquare_photo_tmp_camera_zpsyrqstd90.jpg
Favorite ko yung spicy rice. Maanghang sya (gasp!) pero meron syang taste na likable. Yung aroma siguro kasi nya, very mexican food ang aura.

The coleslaw was malasa rin, with a strong sour flavor na may hint of sweetness. Rich yung flavor and texture nya.

The chicken were very ok, reminded me of a fast food chicken. Pero hindi sya maliit, and hindi rin sya boring. Ultra crispy pa. Pero dapat nag two-piece nalang ako kasi busog nako sa dalawa palang hahahaha

Was underwhelmed with Patatas Bravas, tho. Andami kasing great reviews pero it’s really just baby potatoes with some sauce. Flavorful sya kung flavorful pero I would pick the spicy rice kung maga-allot man ako ng carbs sa meal ko.

Umorder naman si M ng Quarter Roasted Chicken with two side dishes (Php 199). Parehas kami ng sides.

 photo 1409976652024_zpsx5ynkx54.jpg
Di ko natikman yung Roasted chicken, try ko next time. Yung chimichurri bet ko. Sana may option na yun nalang bukod sa gravy Na kasama ng friend chicken. May garlic-y sauce na nakalagay per table. Mas ok sya i-alternate sa gravy, sa tingin ko. haha

Impressive ang service huh, nung mga gurlet. Very smiling at sunshiney ang personalities nila. Yung isang kuyang mukhang di happy. Smile naman aunts.

So there. Would I recommend it. Sure. Sobrang bet sha, kaso sana mas malaki ang space nila para kahit lunch time, hindi maghihintay ng seat 🙂

4.5 of 5  servings of spicy rice

Tags :
September 6, 2014